MEMBERS: Sarkie Sarangay: Guitar and Vocals Anjo Inacay: Cello Chino David : Violin Paolo Legaspi : Bass Allen Calixto: Drums
San ka pa... OPM band na may cello at violin? Ngayong panahon ng mga electric guitars at head banging? Parang kakatwa pero ang alternative/rock band na Silent Sanctuary, gumawa ng trademark dahil sa pag-in-infuse nila ng mga classical instruments para makagawa ng kakaibang musika. Yung mga simpleng melody ng mga gitara at drums, nabigyan ng kakaibang classical texture ng cello at violin. At dahil sa pagkokonek ng classic sa rock/pop/alternative, hindi kataka-takang napapansin sila ngayon ng mga mahihilig sa musika. Pero hindi lang naman sa mga pseudo-classic tunes kilala ang Silent Sanctuary. Ang totoo nyan, parang magnet kung makahatak ng audience ang mga kanta nila dahil sa mga temang swak na swak sa damdaming Pinoy. Dagdagan pa ng mga simpleng linyang sumasalamin sa mga pangkaraniwang emosyon.
Dahil sa lawak ng kanilang mga impluwesya—Bob Marley, Eraserheads, Dave Matthews, Acopalyptica, Yo Yo Ma, at Stephane Grapelli—at angking talino sa musika, nakakalikha ang Silent Sanctuary ng mga kantang hindi nakakulong sa iisang genre. Ang Fuchsiang Pag-ibig album (2006) nila ay isang malinaw na ebidensya. At dala na rin ng lumalaki nilang pangalan, kasama sila ngayon sa Kami nAPO Ulit album. Kung patuloy na magiging aktibo ang Silent Sanctuary sa eksena, pwede silang maging isa sa mga haligi ng industriya dahil sa paglikha ng mga classic na tunog at linya.